Anna Cay and Geloy Villalobos | A Metrophoto Wedding Special
Hindi naging mabait sa atin ang nakaraang taon. Maari nating sabihin na may nadulot itong kagandahan sa ilang mga aspeto ng ating buhay subalit sa pangkalahatan, mas marami parin ang magsasabi na sana hindi nangyari ang pandemia ng Covid-19. Dahil sa trahedyang ito, natuto tayong lahat na umangkop at mas pangahalagaan ang mga bagay na datirati ay masagana satin. Sa iba ito ay yung pagbabyahe o sa iba ito ay ang pagpapakasaya kasama ang mga kaibigan. Sa amin sa Metrophoto, ito ay yung pagkakaroon ng pagkakataon na makunan ang maraming magagandang mga kasal. Nawala ito lahat ng isang iglap, o ika nga ng Rivermaya, sa isang ‘kisapmata’. Kaya naman nung nag simula nang bumalik ang mga pagdiriwang, kahit na sa maliit na kapasidad, ito ay malugod naming ikinasaya. Wala na sigurong mas angkop na halimbawa dito kaysa sa kasalang Anna Cay at Geloy Villalobos. Matapos ang halos isang taon na kawalan ng katiyakan, na antig ang lahat ng ating mga puso ng isang kaganapan and pagmamahalan na totoo, lumaban sa pandemia, at nagbigay pagasa. Ngayon ay ang ika-unang buwan ng kasal nina Anna at Geloy at aming ipinamamahagi ang ilan pang karagdagan na mga litrato at isang espeyal na ‘behind-the-scenes’ video bilang pagdiriwang. Umaasa kame na ito ay makapagbibigay saya at aliw, kung hindi man, pagasa. At ipinagdarasal namin ang mas magandang bagong taon para sa ating lahat. __________ Suppliers: Photo: Oly Ruiz Video: Cinemaworks Styling: Jeff Galang Make-up: Jelly Eugenio Hair: Paul Nebres Bride’s Shoes: Jefferson Si Gown: Mak […]